Regional Science High School in Olongapo City will always be the one of best high schools for me. Eventhough I did not finish my high school there since my family moved to Manila,I would say that this institution taught me a lot - not only with academics but about life in general.I will always be proud that I have been part of this school.
Isa sa mga paborito kong pelikulang indie (independent films) ay ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros ni Auraeus Solito. Inabangan ko ang pelikula niyang Pisay at sa pagkakataong ito,masasabi kong hindi niya ako muling binigo sa inaasahan ko.
Habang pinapanood ko ang pelikula,hindi ko maiwasang maalala ang naging buhay ko sa Sci-High (o Science High School).Ang bawat eksena ay tunay na paglalarawan ng mga nagiging buhay ng mga kabataang pumapasok sa isang pang-agham na eskuwelahan o kahit sa isang regular na hayskul- kung gaano kahirap at kasarap ang maging estudyante, ang kilig at pait ng unang pag-ibig, ang pagpili ng karera o kurso bago magkolehiyo, ang pagharap sa krisis politikal ng bansa.
Hindi kailangang nagaral ka sa Pisay para lubusang maappreciate ang ganda ng pelikula.Makikita natin ang sarili sa bawat karakter ng pelikula- ang mahirap,ang mahina sa Math, ang pasista,ang coƱio, ang henyo, ang artist, at iba pa.Sinasabi rin ng pelikula, na silang Pisay (o mga henyo) ay katulad din natin.
Mahusay ang nagsiganap na artista sa pelikulang ito lalo na si Eugene Domingo, na isang Physics teacher.Ang mga batang artista na nagsiganap na estudyante ay mahuhusay din.Kapuri puri ang pelikulang ito ni Auraeus Solito.
Bumalik tayo sa high school.Ang mga karanasan na ibinigay nito sa atin,ang bawat araw na komplikado man, malungkot, masalimuot o masaya ay tunay na masarap balikan hanggang sa ngayon.
Panoorin natin ang Pisay.